Ipinahayag kahapon ni Tomiichi Murayama, Dating Punong Ministro ng Hapon, na ang pananalakay at paghaharing kolonyal ng Hapon sa mga bansa sa Asya-Pasipiko noong World War II ay totoong kasaysayang hindi dapat pabulaanan.
Kaugnay ng balitang binabalak ni Punong Ministrong Shinzo Abe ang pagsusog sa "Murayama statement," sinabi niya na ang naturang pahayag ay palatandaan ng paninindigan ng Pamahalaang Hapones na kumilala sa kasaysayan nitong mapanalakay at pagkolonya sa mga bansa sa Asya-Pasipiko noong WWII. Ang naturang pahayag aniya ay bilang paghingi ng paumanhin sa naturang mga bansa.
Binigyang-diin niya na ang pagsusog sa naturang pahayag ay magdudulot ng pagdududa ng komunidad ng dagidig sa katapatan ng Hapon.