Ipinahayag kahapon ni Punong Ministro Shinzo Abe ng Hapon na nais niyang susugan ang ika-9 na charter ng konstitusyon. Samantala, isiniwalat niyang isinumite sa parliamento ng kanyang partidong Liberal Democratic Party (LDP) ang panukala ukol dito.
Sinabi niya na ito ay naglalayong pangalagaan ang kaligtasan ng mga mamamayan at kanilang mga ari-arian.
Ayon sa panukala na inilabas ng LDP nauna rito, balak nitong baguhin ang nilalaman ng konstitusyon na nagsasaad ng pagbabawal sa pagkakaroon ng mga hukbo at ibang uri ng puwersang pandigma, at di-pagkilala sa pambansang kapangyarihan na maglunsad ng digmaan. Bukod dito, idinagdag ang probisyon hinggil sa pagtatatag ng hukbong pandepensa at kapangyarihang pandepensa para pangalagaan ang teritoryo at mga yaman ng bansa.
Salin: Ernest