NAPASOK ng mga kawal ng pamahalaan ang isang pagawaan ng improvised bombs sa pagsalakay sa isang kampo ng mga armadong kabilang sa Bangsamoro Islamic Freedom Fighters kahapon.
Ayon sa balita ng AFP, pinamunuan ni Colonel Melquiades Feliciano ng 601st Infantry Brigade ang pagsalakay sa mga kinaroroonan ng mga BIFF elements at napasok ang isang kampo na pag-aaari ng isang Mohammad Tambako sa Barangay Dasikil.
Bagama't napasok ang pabrika ng mga bomba, nakatakas ang mga kalaban ng pamahalaan. Natagpuan ang mga mortar fuse, ammonium nitrate, blasting caps at tie wire.