NANINIWALA si Ginoong Manuel V. Pangilinan ng First Pacific sa pagsama-sama ng mga bansa sa loob ng Association of Southeast Asian Nations sapagkat nangapital sila sa Pilipinas sa larangan ng mga pagawaing bayan at pagsasaka, power sa Singapore, pagkain at pagsasaka sa Indonesia, mga tollway at tulay sa Vietnam, consumer products at tollways sa Thailand at food production sa Myanmar.
Ito ang buod ng kanyang talumpati sa mga opisyal ng ASEAN Law Association sa Makati Shangri-La Hotel noong Sabado ng gabi. Ang ASEAN ay mabubuo ng sampung bansang nagtataglay ng 620 milyon katao, ang ikatlong pinakamataong pook sa daigdig, may US$ 2.3 trilyong halaga ng Gross Domestic Product, ang ikapito sa pinakamalaking GDP sa daigdig at itinuturing na pinakamasiglang samahan ng mga bansa sa rehiyon.
Masisipag ang mga mamamayan sa ASEAN, mag pagpupunyagi at may pagpapahalaga sa pamilya kaya't isang malaking buyaya para sa Pilipinas.
Ani G. Pangilinan, isang mamamahayag sa Thailand ang nagsabing kahit pa iba't ibang ang kasaysayan ng mga bansa sa ASEAN, mayroong maituturing na common identification. Idinagdag pa niya na tumagal ng 50 taon bago nasabi ng mga mamamayan sa iba't ibang bansa sa Europa na mula sila sa European Union.
Ang pinakamayamang bansa sa ASEAN ay 60 ulit sa pinakamahirap samantalang ang pinakamayaman ay 15 ulit na mas mataaas sa ASEAN average. Ang external trade ng ASEAN ay US$ 2.4 trilyon samantalang ang Intra-ASEAN trade ay umaabot lamang sa US$ 609 bilyon o 24% ng buong kalakalan.