Sa dalawang sesyon ng Pambansang Kongresong Bayan (NPC) at Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino (CPPCC) sa kasalukuyang taon, ang paglaban sa korupsyon sa hukbo ay naging pokus na nakakatawag ng malaking pansin ng iba't-ibang sirkulo ng lipunan. Nang kapanayamin ngayong araw ng mamamahayag, ipinahayag ni Liu Yuan, kinatawan ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC) at political commissar ng People's Liberation Army (PLA) General Logistics Department, na matatag at aktibo ang atityud ng hukbong Tsino sa paglaban sa korupsyon. Ito aniya ay magiging normal na gawain.
Kolektibong isinapubliko ng panig militar ng Tsina ang 14 na mataas na kadre sa hukbo na inimbestigahan at pinarusahan.
Salin: Li Feng