Dapat palawakin at palalimin ng Guangxi ang pakikipagtulungan sa ASEAN." Ito ang ipinahayag kahapon ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, sa kanyang pagdalo sa talakayan ng delegasyon ng Guangxi Autonomous Region sa dakong timog-kanluran ng bansa, sa Ika-3 Sesyon ng Ika-12 NPC at CPPCC meeting.
Tinukoy ng Pangulong Tsino na kasabay ng pagpapasulong ng Tsina sa kontruksyon ng Silk Road Economic Belt at Silk Road sa Karagatan sa ika-21 Siglo, kapansin-pansin ang bentahe at kahalagahan ng Guangxi sa estratehiyang panlabas ng estado. Aniya, sa harap ng pagkakataong pangkaunlaran sa kasaysayan, inaasahang isasagawa ng Guangxi ang positibo at mas bukas na hakbangin sa usaping ito.