Sa kanyang work report na inilahad kahapon ng hapon sa pangalawang sesyong plenaryo ng Ika-3 Sesyon ng Ika-12 Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina(NPC), Sinariwa ni Zhang Dejiang, Tagapangulo ng Pirmihang Lupon ng NPC ang mga gawain ng NPC sa 7 larangan noong 2014, kabilang dito ang paggigiit sa pamumuno ng Partido Kumunista ng Tsina at sistema ng NPC; pagpapataas sa kalidad ng lehislatura; pangangalaga sa kapangyarihan ng Konstitusyon at Batas; pagpapahigit ng superbisyon; pagbibigay-galang sa status ng mga kagawad bilang pangunahing puwersa ng NPC; pagkompleto sa gawain ng NPC, at pagpapasulong sa pagpapalitang panlabas para suportahan ang nukleong tungkulin ng Partido at Estado.
Inilahad din ni Zhang ang mga masusing tungkulin ng NPC sa kasalukuyang taon, na gaya ng pagpapabuti ng sosyalistang sistemang pambatas na may katangiang Tsino, batay sa Konstitusyon; pagpapahigpit ng superbisyon sa pagpapatupad sa batas, administrasyon ng pamahalaan at gawain ng NPC at CPPCC; lubusang pagpapatingkad sa papel ng mga kagawad ng NPC; ibayo pang pagpapasulong sa ugnayang panlabas; pagpapalakas ng konstruksyon ng Pirmihang Lupon ng NPC, at iba pa.
Sa kabilang dako, ipinaliwanag din sa pulong ni Li Jianguo, Pangalawang Tagapangulo ng Pirmihang Lupon ng NPC ang panukala hinggil sa pagsusog sa Batas sa Lehislasyon.