Sa Muse, Myanmar-Nag-usap dito kahapon sina Pangalawang Ministrong Panlabas Liu Zhenmin ng Tsina at Pangalawang Ministrong Panlabas Tin Oo Lwin ng Myanmar. Nagpalitan ng kuru-kuro ang dalawang panig hinggil sa bilateral na relasyon sa taong 2015. Positibo sila sa pagsasakatuparan ng komong palagay na narating ng dalawang bansa, pagpapalakas ng kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan sa ibat-ibang larangan, pangangalaga sa kapayapaan at katatagan sa purok-hanggahan, para pasulungin ang matatag at mabilis na pag-unlad ng komprehensibong estratehikong partnership ng dalawang bansa.