Pinakinggan kahapon ng hapon sa Ika-3 Sesyon ng Ika-12 Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC) ang paliwanag sa panukala hinggil sa pagsusog sa Batas sa Lehislasyon. Ito ang kauna-unahang pagsususog sa Batas sa Lehislasyon, nitong nakalipas na 15 taon sapul nang isagawa ang batas na ito. Ipinalalagay ni Li Dajin, Deputado ng NPC at isang abogado, na napakahalaga ng papel ng magkakasamang pagsusuri ng mga deputado ng NPC sa naturang panukala.
Ayon sa Konstitusyon at Batas sa Lehislasyon ng Tsina, dapat iharap sa NPC ang plano sa pagtatakda o pagsususog sa pundamental na batas para sa pagsusuri.
Salin: Vera