|
||||||||
|
||
Gawing priyoridad ng lehislasyon at isagawa ang mga reporma batay sa batas
Ayon sa Komite ng mga Gawaing Pambatas ng NPC, sa bagong taon, ang lehislasyon ay kailangang maangkop sa pangangailangan ng reporma. Kung makumpiramang mabisa ang mga hakbangin ng reporma, dapat agad na ilakip ang mga ito sa batas. At para sa batas at regulasyon, kung hindi maangkop sa pangangailangan ng reporma, dapat agad itong isaayos at kanselin.
Dapat lumahok ang mga mamamayan sa pagtakda ng batas
Ayon sa Komite ng mga Gawaing Pambatas ng NPC, para masabing mabuti ang isang batas, dapat tingan kung puwede nitong ipakita ang interes at kapakanan ng mga mamamayan. Kaya,sa pagbalangkas ng Batas sa Lehislasyon, naitakda ang ilang bagong regulasyon at prosidyur tulad ng malawakang pagkokolekta ng mungkahi bago itakda ang planong lehislatibo, at sa proseso ng pagsusuri ng batas, naisagawa ang isang serye ng hakbangin para mapakinggan ang mungkahi mula sa iba't ibang sector ng lipunan.
Dapat patingkarin ang namumunong papel ng NPC sa lehislasyon para maiwasan ang pagsasabatas ng interes at kapakanan ng espesyal na grupo
Ayon sa komite ng mga gawaing pambatas ng NPC, para maiwasan ang pagbalangkas ng batas para sa karapatan at interes na espesyal na grupong sentral at lokal, sa proseso ng paglalabas ng plano, pagsusulat ng burador na batas, pagsusuri, binigyan-diin na mapatingkad ang namumunong papel ng NPC sa lehislasyon.
Pagtatakda ng mga batas na may kinalaman sa kaligtasan ng pagkain, paglaban sa katiwalian at terorismo, pinapasulong
Ayon sa Komite ng mga Gawaing Pambatas ng NPC, kaugnay ng paglaban sa katiwalian, ito ay isang komprehensibo at sistematikong proyekto na hindi kinabibilangan ng Batas na Kriminal lamang kundi ang batas ng administrasyon, superbisyon at iba pa. Iniabot na sa inisyal na pagsusuri ang ika-9 na burador na resolusyon ng Batas na Kriminal.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |