Dumalo kaninang umaga ang mga lider na Tsino ng pagsusuri ng mga delegasyong lumalahok sa Ika-3 Sesyon ng Ika-12 Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC), na kinabibilangan nina Xi Jinping, Li Keqiang, Zhang Dejiang, Liu Yunshan at iba pa.
Sa kanyang pagdalo sa pagsusuri ng delegasyon ng Probinsyang Jilin, tinukoy ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na dapat walang humpay na isaayos ang mga gawain ng bansa para maangkop sa bagong kalagayang lumilitaw sa kaunlarang ekonomiko. Bukod dito, dapat aniya, samantalahin ang inobasyon para mapasulong ang pag-uupgrade ng industriya.
Dagdag pa niyang dapat mapalakas ang pagpapalitan at pagtutulungan sa mga kapitbansa at kapit rehiyon. Sa pamamagitan ng reporma, patataasin ang lebel ng pagbubukas sa labas. Samantala, pabibilisin ang konstruksyon ng industriyang agrikultural. Sa bandang huli, dapat gawing priyoridad ang pamumuhay ng mga mamamayan para makapagbigay ng pakinabang sa kanila.