Ipinatalastas kahapon ng panig militar ng "Republika ng Sambayanang Donetsk" sa silangan ng Ukraine ang pagdaraos ng 3 araw na ensayong militar. Pero, hindi nito isinapubliko ang mga detalye hinggil dito, kabilang ang bilang ng mga kalahok na tauhan at kagamitang militar.
Nang araw ring iyon, nag-usap sa telepono sina Pangulong Francois Hollande ng Pransya at Pangulong Petro Poroshenko ng Ukraine hinggil sa pagtupad ng New Minsk Agreement. Positibo ito sa patuloy na pakikipagdiyalogo sa armadong oposisyon sa silangan ng Ukraine.