Ipinahayag kahapon ni Tagapagsalita Hong Lei ng Ministring Panlabas ng Tsina na tumagal nang mahigit isang buwan na ang sagupaan sa rehiyon ng Kokang sa hilagang Myanmar, bagay na nakakaapekto sa katatagan at normal na kaayusan sa purok-hanggahan ng Tsina at Myanmar. Hinimok aniya ng panig Tsino ang iba't ibang may kinalamang panig na magtimpi para mapuksa ang sagupaan sa lalong madaling panahon, at mapanumbalik ang kapayapaan at katatagan ng hilagang Myanmar.
Ayon sa ulat, noong ika-8 ng buwang ito, nagsanggunian sa Muse, lunsod sa purok-hanggahan ng dalawang bansa ang mga delegasyon ng Tsina at Myanmar na magkahiwalay na pinamunuan ni Liu Zhenmin, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Tsina, at ng kaniyang counterpart ng Myanmar na si Tin Oo Lwin. Kapuwa sinang-ayunan ng magkabilang panig na palakasin ang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan sa iba't ibang larangan, pangalagaan ang kapayapaan at katatagan sa purok-hanggahan, at pasulungin ang sustenable, mabilis at matatag na pag-unlad ng komprehensibo, estratehiko, at kooperatibong partnership ng dalawang bansa.
Salin: Vera