Inilahad kahapon ng Ministring Panlabas ng Indonesia ang katugong kalagayan hinggil sa preparasyon sa mga aktibidad bilang paggunita sa ika-60 anibersaryo ng Bandung Conference. Anito, ang nasabing mga aktibidad ay idaraos sa Jakarata at West Java, mula ika-19 hanggang ika-24 ng Abril.
Sa kasalukuyan, kumpirmadong dadalo sa naturang aktibidad ang mga lider ng 17 bansa, na gaya ng Pakistan, Cambodia, Malaysia, Afghanistan, at iba pa.
Idinaos ng mga bansang Asyano at Aprikano ang Bandung Conference sa Indonesia, noong 1955. Ang sampung prinsipyo hinggil sa relasyong pandaigdig na pinagtibay sa pulong ay nagsisilbing pundasyon sa pagtatatag ng kapantay-pantay at makatwirang kaayusang pampulitika at pangkabuhayan ng daigdig.