Sa magkakahiwalay na okasyon kahapon sa Lausanne, Switzerland at Brussels, Belgium, idinaos ng Iran ang mga bilateral na talastasan sa Amerika, Britanya, Pransya at Alemanya para marating ang balangkas ng komprehensibong kasunduan hinggil sa isyung nuklear ng bansa bago mag-ika-31 ng Marso.
Ayon sa National TV ng Iran, sa pamamagitan ng nasabing mga talaslatasan, nalutas ang ilang pagkakaiba at malaki ang posibilidad na marating ang nasabing balangkas ng komprehensibong kasunduan.
Nakatakdang magpulong ngayong araw ang Iran at anim na panig sa isyung nuklear ng Iran na kinabibilangan ng Britanya, Tsina, Pransya, Alemanya, Rusya at Estados Unidos.
Ang komprehensibong kasunduan sa isyung nuklear ng Iran ay inaasahang mararating bago unang araw ng darating na Hulyo.
Salin: Jade