|
||||||||
|
||
Sa Montreux, Switzherland—idinaos dito ngayong araw ng 6 na bansang may kinalaman sa isyung nuklear ng Iran (Estados Unidos, Britanya, Pransya, Rusya, Tsina at Alemanya), Unyong Europeo (EU) at Iran ang bagong round ng talastasan hinggil sa komprehensibong kasunduan sa isyung nuklear ng Iran. Ito ang ika-2 round ng talastasan ng mga panig sa loob ng dalawang linggo. Pagkatapos ng talastasan, ipinahayag ni Seyyed Abbas Araqchi, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Iran, na sa kasalukuyan, nagiging pareho ang paninindigan ng iba't ibang panig.
Sinimulang idaos ang kasalukuyang talastasan noong ika-2 ng buwang ito.
Isinalaysay naman ni Wang Qun, Negosyador at Director-General ng Department of Arms Control ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ibayo pang pinahigpit ng naturang talastasan ang pag-uunawan sa paninidigan ng isa't isa. Umaasa aniya ang panig Tsino na sasamantalahin ng iba't ibang panig ang pagkakataong pangkasaysayan, papawiin ang pagkakaiba, at mararating ang komprehensibong kasunduan may mutuwal na kapakinabangan at win-win situation, ayon sa nakatakdang iskedyul. Dagdag pa niya, patuloy na magsisikap, tulad ng dati, ang panig Tsino para rito.
Napag-alamang idaraos ang susunod na round ng talastasan hinggil sa nasabing isyu mula ika-15 hanggang ika-20 ng kasalukuyang buwan.
Ayon sa nakaraang kasunduan na narating ng Iran at nasabing 6 na bansa noong Nobyembre ng 2013, dapat gumawa ng kompromiso sa planong nuklear ng Iran, bago ika-20 ng Hulyo, 2014. Ito ay bilang kapalit ng pagpapaliit ng mga sangsyon ng mga bansang kanluranin. Inilakip din sa naturang kasunduan ang hinggil sa pagkakaroon ng isang komprehensibong tradado sa pamamagitan ng talastasan.
Dahil sa napakalaking pagkakaiba, pinahaba ng iba't ibang panig ang taning ng talastasan sa ika-30 ng Hunyo 2015. Sa kasalukuyan, pinapabilis ng iba't ibang panig ang proseso ng talastasan, upang magkaroon ng isang framework agreement bago matapos ang buwang ito.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |