Sa kanilang pag-uusap kahapon sa telepono, nanagawan sina Pangulong Barack Obama ng Amerika at Chancellor Angela Merkel ng Alemanya sa mga may kinalamang panig na ganap na tupdin ang New Minsk Agreement para maisakatuparan ang pangmatagalang mapayapang kalutasan ng alitan sa dakong silangan ng Ukraine. Ipinagdiinan din nilang ipagpapatuloy ang sangsyon laban sa Rusya.
Bilang tugon, sinabi ni Pangulong Vladimir Putin ng Rusya, na bunsod ng sangsyon mula sa mga bansang kanluranin, nahihirapan ang Crimea sa pag-unlad, pero, limitado lamang ang epekto.
Sapul nang Marso ng 2014, isinagawa ng Amerika at EU ang maraming round na sangsyon laban sa Rusya hinggil sa isyu ng Ukraine. Gumagawa naman ang Rusya ng kinauukulang hakbangin na nakatuon dito.
Noong Ika-12 ng Pebrero ng taong ito, sa Minsk, kabisera ng Belarus, narating ng mga lider mula sa Rusya, Ukraine, Almanya at Pransya, ang New Minsk Agreement na may kinalaman sa tigil-putukan sa pagitan ng pamahalaan ng Ukraine at mga armadong grupo sa dakong silangan ng bansa, pagtatakda ng petsa para sa halalan sa dakong silangan ng Ukraine, at pagpapalitan ng mga bilanggo at iba pa.
Salin: Jade