Nagpadala ngayong araw ng mensaheng pambati ang Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) sa Komite Sentral ng Lao People's Revolutionary Party (LPRP), bilang pagdiriwang sa ika-60 anibersaryo ng pagkakatatag ng huli.
Sa naturang mensahe, binati ng CPC ang mga natamong bunga ng LPRP noong 60 taong nakaraan, gaya ng pagsasarili ng bansa, pagkakaisa ng iba't ibang lahi, at pag-unlad ng lipunan at kabuhayan.
Bukod dito, inulit ng CPC ang kahalagahan ng relasyon ng Tsina at Laos para ibayo pang palalimin, kasama ng LPRP, ang relasyon ng dalawang bansa at pagkakaibigan ng kanilang mga mamamayan.