|
||||||||
|
||
Idinaos kahapon ng Tsina at India ang Ika-18 Talastasan hinggil sa Isyung Panghanggahan. Sina Yang Jiechi, Kasangguni ng Estado ng Tsina at Ajit Dova, Tagapayo ng Pambansa ng Seguridad ng India ang namuno sa nasabing talastasan.
Si Yang Jiechi, Kasangguni ng Estado ng Tsina (sa kaliwa) at Espesyal na Kinatawang Tsino hinggil sa Talastasang Panghanggahan ng Tsina at India, habang nakikipagkamay kay Ajit Dova, Tagapayo ng Pambansang Seguridad ng India, sa Hyderabad House sa New Delhi, India, March 23, 2015.
Ipinangako rin ng dalawang panig na patuloy na magsasanggunian batay sa mga natamong bunga hangga't hindi nalulutas ang isyung panghanggahan ng dalawang bansa.
Nagbalik-tanaw rin ang dalawang panig sa mga natamong bunga ng dalawang bansa sapul nang bumisita si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa India noong Setyembre, 2014. Sa nasabing bisita ni Pangulong Xi, nagtakda ang mga lider ng dalawang bansa ng patnubay para sa estratehikong pagtutulungang Sino-Indyano sa susunod na lima hanggang sampung taon.
Photo Source: Xinhua
Salin: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |