SINAMSAM ng National Food Authority at ng Office of the Presidential Assistant for Food Security ang may P 15 milyon halaga ng ipinsulit na bigas.
Nadiskubre ang may 5,000 sako ng bigas na may timbang na 250,000 kilo sa isang bodega na pag-aari umano ng isang Alvin Tiu Chua.
Mahaharap sa usapin ang mangangalakal at may-ari ng bodega sapagkat hindi ito lisensyado ng National Food Authority. Sa kanyang pahayag, sinabi ni Presidential Assistant on Food Security Francis Pangilinan na kung patuloy ang pagpupuslit ng bigas, babagsak ang presyo nito sa pamilihan at makasasama sa mga magsasaka.
Mula ang imporasyon sa National Bureau of Investigation na mula sa Thailand ang bigas at idinaan sa Zamboanga bago nakarating sa Maynila. May markang asukal ang mga sakong naglalaman ng mamahaling uri ng bigas.
Ayon naman kay NFA Administrator Renan Dalisay, tuloy ang kanilang pagkilos upang masugpo ang pagpupuslit ng bigas.