Isang espesyal na pulong ang idinaos kahapon ng hapon ng Parliamento ng Singapore para bigyang-galang si Lee Kuan Yew, yumaong dating lider ng Singapore. Maraming mambabatas ang nagpadala ng mensahe sa pulong bilang pakikidalamhati sa pamilya ni Lee.
Ipinahayag ni Halimah Yacob, Ispiker ng Parliamento ng Singapore, na si Lee Kuan Yew ay may mahalagang impluwensiya sa parliamento ng bansa.
Sa kanila namang talumpati, magkakasunod na nagpahayag ng kanilang paggalang ang iba pang mambabatas.
Salin: Li Feng