|
||||||||
|
||
NAGPASALAMAT si Atty. Hoi Trinh, isa sa mga namumuno sa Vietnamese civil society group na may pangalang VOICE sa Simbahang Katolika sa Pilipinas sa pagkalinga sa mga kababayan niyang nanirahan sa Puerto Princesa sa Palawan.
Sa isang panayam, sinabi ni Atty. Hoi na bagama't maayos na ang kalagayan ng kanyang mga kababayan sa iba't ibang bansa, malaking pasasalamat ang nararapat iparating sa Simbahang Katolika sa Pilipinas sapagkat sila ang nanawagan noon kay Pangulong Fidel V. Ramos na huwag basta ipasasara ang refugee camp.
May 2,500 mga Vietnamese refugees na nalabi sa bansa ng ipasara ang kampo noong 1997. Tumagal ng may sampung taon ang kanilang paglilipat sa mga refugee sa Australia, Norway at Estados Unidos.
Mahirap ang naging buhay sa Pilipinas sapagkat wala namang pinagkakakitaan at sa kabutihang loob ng Pilipinas, nabuhay ang kanyang mga kababayan sa pakikipagkalakal sa mga mamamayan ng host country.
Wala namang naging biktima ng human trafficking sa kanilang tinitirhan ngayon. Itinatag niya ang liaison services noong dumalaw siya sa Pilipinas. Inakala umano ni Atty. Hoi na tatagal lamang siya ng tatlong buwan subalit matapos maipadala ang ilang mga kababayan sa Americaat Australia, tumagal na siya sa Pilipinas.
Nakipagtulungan umano siya kay Congressman Roilo Golez upang mapadali ang pagpapadala ng kanyang mga kababayan sa ibang bansa. Ipinaliwanag din ni Atty. Hoi na ang kanyang ama ay isang Vietnamese refugee na nanirahan sa Australia at ibinabalik lamang niya ang biyayang natamo sa paglilipat sa ibang bansa.
Napapanahon ang pagpasok ng Simbahan noong 1997 sapagkat kung hindi nanindigan ang mga obispo ng Pilipinas, marahil ay pwersahang naibalik sa Vietnam ang mga refugee. Nagkaroon umano ng isang eroplanong naglakbay patungong Vietnam upang ibalik ang ilang mga refugee. Sa pamamagitan ng Simbahan, lumagda si Pangulong Fidel V. Ramos sa isang executive order na nagbigay ng pahintulot sa refugee na manirahang pangsamantala sa Pilipinas.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |