Kamakalawa, nagkasundo ang Pamahalaan at sandatahang lakas ng pambansang minoriya ng Myanmar tungkol sa kasunduan ng tigil-putukan. Kaugnay nito, ipinahayag kahapon ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina na mainit na tinatanggap ng panig Tsino ang pagtatamo ng bagong round ng talastasang pangkapayapaan ng nasabing dalawang nagsasagupaang panig ng Myanmar ng positibong progreso. Umaasa aniya siyang lalagdaan ng may kinalamang panig ang pambansang kasunduan ng tigil-putukan para mapahupa ang situwasyon sa gawing hilaga ng Myanmar, at mapanumbalik ang kapayapaan at katatagan sa dakong hilaga ng Myanmar at purok-hanggahan ng Tsina at Myanmar, sa lalong madaling panahon.
Dagdag pa ni Hua, ayon sa mithiin ng may kinalamang panig, napatingkad ng panig Tsino ang konstuktibong papel sa pagpapasulong ng nasabing talastasang pangkapayapaan.
Salin: Li Feng