Sa isang magkasanib na pahayag na ipinalabas kahapon ng pamahalaan at oposisyon ng Myanmar, pagkaraan ng kanilang bagong round ng talastasan sa tigil-putukan, hinimok nito ang mga may kinalamang panig na pahigpitin ang pagtutulungan para maiwasang muling maganap ang bagong sagupaan.
Nang araw ring iyon, dumalo sa nasabing talastasan sina Wang Yingfan, Sugo ng Ministring Panlabas ng Tsina at Vijay K.Nambian, Sugo ni Pangkalahatang Kalihim Ban Ki-moon ng UN sa isyu ng Myanmar, bilang tagamasid ng usaping ito.