Ipinatalastas kahapon ng negosyador ng talastasang pangkapayapaan ng Myanmar na isang linggong nahinto ang ika-7 round ng talastasan para sa pambansang tigil-putukan, at ito ay manunumbalik sa ika-30 ng buwang ito.
Sinabi ni Hla Maung Shwe, Miyembro ng Union Peace-Making Work Committee (UPWC) na kumakatawan sa panig ng pamahalaan ng Myanmar, na natalakay na ang lahat ng pitong chapter ng naturang kasunduan: kabilang dito, ang patuloy na pagsasanggunian hinggil sa apat na may kinalamang nilalaman.
Sinabi naman ni Khun Okka, Miyembro ng Nationwide Ceasefire Coordination Team (NCCT) na kumakatawan sa etnikong armadong grupo, na determinado ang kapuwa panig upang matapos ang ika-7 round ng talastasan.
Salin: Vera