|
||||||||
|
||
Sina Wang Yi, Ministrong Panlabas at Wunna Maung Lwin,Ministrong Panlabas at Espesyal na Sugo ng Pangulo ng Myanmar
Inamin kahapon ng Myanmar na ayon sa magkasanib na imbestigasyon ng Tsina at Myanmar, ang bomba na hinulog ng eroplanong militar ng Myanmar ay nauwi sa pagkamatay ng apat na sibilyang Tsino. Humingi din ito ng paumanhin sa panig Tsino kaugnay ng trahediyang ito.
Ipinahayag ito ni Wunna Maung Lwin, Ministrong Panlabas at Espesyal na Sugo ng Pangulo ng Myanmar sa kanyang pakikipag-usap kahapon kay Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina.
Ipinagdiinan din ng ministrong panlabas ng Myanmar na sa ngalan ng pamahalaan at hukbo ng Myanmar, nagsadya siya sa Tsina para hawakan ang isyu ng pambobomba sa mga mamamayang Tsino. Idinagdag pa niyang sa kasalukuyan, nalinaw na ang totoong pangyayari at paparusahan ng Myanmar ang mga may pananagutan para maiwasan ang muling pangyayari ng ganitong insidente.
Sinang-ayunan din ng mga ministrong panlabas ng Tsina at Myanmar na magkasamang pangangalagaan ang katatagan ng hanggahan ng dalawang bansa.
Noong ika-13 ng Marso, hinulog ng eroplanong militar ng Myanmar ang bomba sa teritoryo ng Tsina. Bunsod nito, namatay ang apat na sibilyang Tsino na nagsasaka sa bukirin ng tubo sa Nayong Dashuisangshu, Mengding Township, Dima County, Lunsod Lincang, Yunnan, lalawigan sa hanggahan ng Tsina at Myanmar.
Salin: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |