Tatlong araw makaraang maganap ang insidente ng paghuhulog ng bomba mula sa eroplano ng tropa ng Myanmar sa teritoryo ng Tsina na nagbunsod ng kasuwalti sa mga mamamayang Tsino sa purok-hanggahan ng Tsina at Myanmar. Sa regular na news briefing ngayong araw, isinalaysay ni Tagapagsalita Hong Lei ng Ministring Panlabas ng Tsina ang pinakahuling progreso ng paghawak sa mga kinauukulang suliranin. Muli niyang hinimok ang mga kinauukulang nagsasagupaang panig ng Myanmar na seryosong alalahanin ang pagkabahala ng panig Tsino.
Ani Hong, sa pamamagitan ng magkakaibang tsanel, iniharap ng panig Tsino ang solemnang representasyon sa panig ng Myanmar. Sa kasalukuyan, sumusulong ang gawain ng magkasanib na imbestigasyon ng kapuwa panig.
Salin: Vera