Ipinahayag kahapon ni Wai Lwin, Ministrong Pandepensa ng Myanmar na binuo na ng kanyang bansa ang Komisyong pang-imbestigasyon para imbestigahan ang pagkamatay ng mga mamamayang Tsino sa pambobomba ng eroplanong militar ng Myanmar.
Noong ika-13 ng Marso, hinulog ng nasabing eroplanong militar ng Myanmar ang bomba sa teritoryo ng Tsina. Bunsod nito, namatay ang apat na sibilyang Tsino na nagsasaka sa bukirin ng tubo sa Nayong Dashuisangshu, Mengding Township, Dima County, Lunsod Lincang, Yunnan, lalawigan sa hanggahan ng Tsina at Myanmar.
Kinumpirma kahapon ni Hong Lei, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na naipadala na ng Myanmar ang work group sa hanggahan ng dalawang bansa para magkasanib na imbestigahan ang insidenteng ito.
Salin: Jade