|
||||||||
|
||
BEIJING--- Ipinatalastas kahapon ng Ministri ng Pinansya ng Tsina ang pagkakaapruba sa Italya at Pransya bilang miyembrong tagapagtatag ng Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB).
Ayon pa sa naturang ministri, naipasa ang desisyon sa pamamagitan ng pag-sang-ayon ng mga kasalukuyang miyembro ng AIIB.
Sa kasalukuyan, umabot na sa 33 ang bilang ng miyembrong tagapagtatag ng AIIB na kinabibilangan ng Bangladesh, Britanya, Brunei, Kambodya, Tsina, Pransiya, Alemanya, India, Indonesia, Italya, Jordan, Kazakhstan, Kuwait, Laos, Luxemburg, Maldives, Malaysia, Mongolia, Myanmar, Nepal, New Zealand, Oman, Pakistan, Pilipinas, Qatar, Saudi Arabia, Singapore, Sri Lanka, Switzerland, Tajikistan, Thailand, Uzbekistan, Vietnam.
Ang pinal na bilang ng mga miyembrong tagapagtatag ay nakatakdang kumpirmahin sa ika-15 ng Abril.
Ang mga miyembrong tagapagtatag ay may karapatan sa pagbalangkas ng alituntunin sa pangangasiwa ng AIIB.
Salin: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |