Ipinatalastas kagabi ng Pamahalaang Timog Koreano ang pag-aaplay ng pagsapi sa Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB) bilang bansang tagapagtatag nito. Ipinadala na ng Timog Korea ang nakasulat na mensahe sa panig Tsino.
Sa isang pahayag nang araw ring iyon, sinabi ng Ministri ng Estratehiya at Pinansya ng Timog Korea, na sa larangan ng konstruksyon ng imprastruktura sa Asya, mapapatingkad ng AIIB ang mahalagang papel nito. Anito pa, ang mga may-karanasang bahay-kalakal ng Timog Korea sa aspekto ng konstruksyon ng imprastruktura, tele-komunikasyon, komunikasyon, at iba pa, ay makikinabang din sa pagsapi sa AIIB.
Salin: Li Feng