ABALA na naman ang mga opisyal ng pamahalaan sa paghahanda sa pagdalaw ni General Tanasak Patimapragorn, ang deputy prime minister at Minister of Foreign Affairs ng Thailand sa Lunes at Martes, ika-anim at ika-pito ng Abril.
Makakausap niya si Foreign Affairs Secretary Albert F. Del Rosario at paksa nila ang progreso ng bilateral relations sa pagitan ng Pilipinas at Thailand. Kabilang sa pag-uusapan ang ekonomiya, trade and investments, agriculture, education, defense, technical cooperation at mahahalagang isyung makaapekto sa rehiyon.
Si General Patimapragorn ay naging Supreme Commander ng Royal Thai Armed Forces o chief of staff ng sandatahang lakas ng kanilang bansa. Hinirang isyang Foreign Affairs Minister noong nakalipas na Setyembre 2014. Ito ang una niyang pagdalaw sa bansa bilang deputy prime minister at foreign affairs minister.
May 67 taon na ang diplomatic relations ng dalawang bansa. Isang Treaty of Friendship ang nilagdaan ng mga kinatawan ng dalawang bansa noong ika-14 ng Hunyo 1949.