Sinabi kahapon ni Zainuddin Yahya, Sugo ng Malaysia sa Tsina, na ang pagtatatag ng Silk Road Economic Belt at 21st-Century Maritime Silk Road, o sa madaling salita, Belt at Road ay nagdudulot ng pagkakataong pangkasaysayan para sa pagtutulungang Sino-Malay.
Winika ito ng sugong Malay sa kanyang pagdalaw sa China-Malaysia Qinzhou Industrial Park sa Rehiyong Awtonomo ng Lahing Zhuang ng Guangxi sa dakong timog-kanluran ng Tsina.
Ang nasabing industrial park na sinimulan nang itatag noong Abril, 2012 ay nagsisilbing flagship na proyektong pangkooperasyon ng Tsina at Malaysia.
Tagasalin: Jade
Tagapagpulido: Mac