Sa kanyang pakikipag-usap kahapon sa Beijing kay dumadalaw na Pangkalahatang Kalihim Nguyen Phu Trong ng Communist Party of Vietnam(CPV), ipinahayag ni Li Keqiang, Pirmihang Kagawad ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina, na nitong 65 taong nakalipas sapul ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Biyetnam, walang tigil na umuunlad ang bilateral na relasyon ng dalawang bansa. Aniya, sa harap ng kasalukuyang kalagayang pampulitika at pangkabuhayan ng daigdig, umaasa ang Tsina na magsisikap, kasama ng Biyetnam para ibayo pang pasulungin ang mapagkaibigang relasyong pangkapitbansa at pagtutulungang may mutuwal na kapakinabangan ng dalawang bansa, at pangalagaan ang katatatagan at kasaganaan ng rehiyon, batay sa pagpapatibay ng pagtitiwalaang pampulitika, pagpapahigpit ng pagkakaisa at pagtutulungan, maayos na paglutas sa mga alitan, at magkasamang pagpapasulong ng kani-kanilang pambansang kabuhayan.
Binigyang diin ng Premyer Tsino na handa na ang Tsina na palakasin ang pakikipagtulungang pangkooperasyon sa Biyetnam sa ibat-ibang larangan, at ang pragmatikong pagtutulungang pangkabuhayan sa mga sub-region mechanism, gaya ng Greater Mekong River Sub-region, Pan-Beibu Gulf Area at iba pa, para bigyang-ginhawa ang mga mamamayan ng dalawang bansa at rehiyon.