Sa kanyang pakikipag-usap kahapon kay dumadalaw na Pangkalahatang Kalihim Nguyen Phu Trong ng Communist Party of Vietnam(CPV), ipinahayag ni Zhang Dejiang, Pirmihang Kagawad ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina na nitong 65 taong nakalipas sapul ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Biyetnam, ang kooperasyong pangkaibigan ay nagsisilbing pangunahing tunguhin sa bilateral na relasyon ng dalawang bansa. Aniya, ang pagpapahigpit ng pagkakaisa, pagpapalakas ng pagkakaibigan, at pagpapalalim ng pagtutulungang may mutuwal na kapakinabangan ng Tsina at Biyetnam ay hindi lamang angkop sa pundamental na interes ng dalawang partido at mga mamamayan ng dalawang bansa, kundi makakatulong din sa katatagan at kasaganaan ng rehiyon.
Nang araw ring iyon, sa pakikipag-usap sa kanyang Ethiopian counterpart na si Kassa Teklebirhan, ipinahayag ni Zhang Dejiang, Tagapangulo ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina na magkatuwang ang Tsina at Ethiopia. Nitong 45 taong nakalipas sapul ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Ethiopia, unti-unting humihigpit ang pagpapalitan ng dalawang panig sa mataas na antas at mabunga ang pagtutulungan nito sa ibat-ibang larangan. Aniya, ang kooperasyon ng dalawang bansa ay itinuturing na huwaran ng South-South Cooperation.