Sa kanyang pakikipag-usap kahapon sa Beijing kay dumadalaw na Pangkalahatang Kalihim Nguyen Phu Trong ng Communist Party of Vietnam(CPV), ipinahayag ni Yu Zhengsheng, Pirmihang Kagawad ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina at Tagapangulo ng Chinese People's Political Consultative Conference(CPPCC), na sa harap ng masusing yugto sa pagpapabuti at pagpapaunlad ng relasyong Sino-Biyetnames, nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng Biyetnam, para pahigpitin ang pagtitiwalaang pampulitika sa mataas na antas at palakasin ang pagpapalitan, upang lumikha ng mainam na kondisyon sa pagpapabuti at pagpapasulong ng bilateral na relasyon ng dalawang bansa.
Ipinahayag naman ni Nguyen Phu Trong na positibo siya sa mahalagang papel ng CPPCC at Vietnam Fatherland Front sa pagpapasulong ng relasyong Sino-Biyetnames.