Sa Teheran — Ipinahayag kahapon ni Ayatollah Sayyed Ali Khamenei, pinakamataas na lider ng Iran, na maingat ang kanyang atityud tungkol sa natamong progreso sa talastasan ng isyung nuklear ng Iran.
Ani Khamenei, nababahala siya sa mga "patibong na posibleng gawin ng mga bansang kanluranin na kalahok sa naturang talastasan sa ilang detalye." Binigyang-diin pa niya na "sa pamamaitan ng mga detalye, makikita ang pangkalahatang direksyon ng talastasang nuklear." Sa araw na lalagdaan ng iba't-ibang panig ang komprehensibong kasunduan tungkol sa isyung nuklear ng Iran, dapat alisin ng mga bansang kanluranin ang lahat ng sangsyong ekonomiko at pinansya, dagdag pa niya.
Ito ang kauna-unahang bukas na posisyon ni Khamenei pagkaraang magkaroon ng kalutasan ang iba't-ibang may kinalamang panig, hinggil sa nasabing isyu.
Salin: Li Feng