Dumalo kahapon si Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina sa pulong ng mga Ministrong Panlabas ng Six Party at Iran sa isyung nuklear ng Iran, na idinaos sa Lausanne, Switzerland. Ipinahayag ni Wang na positibo ang Tsina sa natamong progreso ng talastasan sa isyung nuklear ng Iran, batay sa walang tigil na pagsisikap ng ibat-ibang panig, nitong 12 taong nakararaan.
Sinabi ni Wang na umaasa ang Tsina na magsisikap ang komunidad ng daigdig para ibayo pang pasulungin ang usaping ito. Aniya, may mahigpit na ugnayan ang mga masusing isyu sa talastasan. Inaasahang maayos na hahawakan ang usaping ito batay sa tumpak na pagtasang pampulitika, dagdag pa niya.
Ang nasabing anim na bansa ay kinabibilangan ng Amerika, Britanya, Alemanya, Pransya, Rusya, at Tsina.