Ipinahayag kahapon ni Zhang Xinfeng, Direktor ng Regional Antiterrorism Center Secretariat (RATS) ng Shanghai Cooperation Organization (SCO), na itatatag ng mga kasaping bansa ng SCO ang magkasanib na grupo para pahigpitin ang pagkokoordinahan at pagtutulungan sa isa't isa, magkasamang bigyang-dagok ang terorismo, ekstrimismo, at separatismo sa rehiyong ito, at mapigilan ang pagkalat ng mga teroristikong organisasyon sa rehiyong ito.
Nang araw ring iyon, idinaos sa Tashkent ng Uzbekistan ang ika-26 na pulong ng RATS. Sinabi ni Zhang na sa kasalukuyan, ginagamit ng mga puwersa ng terorismo, ekstrimismo, at separatismo ang internet para isagawa ang pagpapalaganap ng ideya ng separatism, pag-anyaya ng mga tao at pagtuturo ng mga marahas na kahusayan, ang mga ito ay malubhang nakapinsala sa katiwasayan ng mga kasaping bansa, at katatagan ng rehiyong ito. Aniya pa, bibigyang-dagok ng RATS, pangunahing na, ang ganitong mga aksyon sa taong 2015.
Bukod dito, binalangaks sa naturang pulong ang panukala ng plano ng magkasamang pagbibigay-dagok ng SCO sa terorismo, ekstrimismo, at separatism mula taong 2016 hanggang 2018. Ihaharap ang panukalang ito sa SCO Summit sa darating na Hulyo.
Tinalakay din sa pulong na ito ang pagtatakda ng mga espesyal na batas hinggil sa pagbibigay-dagok sa separatismo.