|
||||||||
|
||
INNER MONGOLIA, Tsina--Sinimulan kahapon ng mga kasaping bansa ng Shanghai Cooperation Organization (SCO) ang Peace Mission 2014, isang pagsasanay-militar laban sa terorismo.
Kalahok dito ang mga hukbong panlupa; hukbong panghimpapawid; espesyal na task forces ng electronic countermeasures, pagmamanman, at mapping mula sa Tsina, Rusya, Kazakhstan, Kyrgyzstan at Tajikistan.
Kagunay ng pagsasanay, sinabi ni Meng Xiangqing, propesor mula sa National Defence University PLA China, na ang magkasanib ng ensayo laban sa terorismo ay isang mahalagang mekanismo ng SCO. Ipinakikita aniya nito ang determinasyon ng mga kasaping bansa sa pakikibaka laban sa ekstrimismo, terorismo at seperatismo.
Idinagdag pa ni Meng na batay sa prinsipyo ng walang alyansa, walang komprontasyon at hindi pagtuon sa ikatlong bansa, ang ensayo ng SCO ay nagpapahalaga sa pagtitiwalaan, pagkakapantay-pantay at pagtutulungan. Masasabi aniya ito'y bagong modelo ng pagsasanay-militar para mapasulong ang katatagan ng rehiyon.
Ang pagsasanay ay tatagal hanggang ika-29 ng Agosto.
Salin: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |