|
||||||||
|
||
Ayon sa pahayag kahapon ng Ministring Panlabas ng Alemanya, inimbitahan nang araw ring iyon ni Frank-Walter Steinmeier, Ministrong Panlabas ng Alemanya ang kanyang counterpart mula sa Pransiya, Ukraine at Rusya para muling magtalakayan hinggil sa isyu ng Ukraine.
Anang pahayag, ang pagtapos ng taglamig ay nagdaragdag ng panganib para sa mga bagong alitan sa dakong silangan ng Ukraine dahil ang mainam na panahon ng tagsibol ay lumilikha ng maalwang pagkakataon para sa pakikipagdigmaan. Ang layunin ng pulong ng apat na ministrong panlabas ay para mapigilan ang pagpapaliban, pagpapabagal at paghahadlang sa pagpapatupad sa New Minsk Agreement, kasunduan ng tigil-putukan sa pagitan ng pamahalaan ng Ukraine at armadong lakas sa silangang Ukraine.
Idinagdag pa ng pahayag na humuhupa ang kalagayan sa silangang Ukraine at limitado lamang sa paliparan ng Donetsk ang mga sagupaan. Gayunpaman, nagsisikap pa rin ang Alemanya para ganap na magtigil-putukan ang mga nagsasagupaang panig ng Ukraine.
Salin: Jade
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |