Matapos ang pagtatagpo kahapon sa Berlin ni Chancellor Angela Merkel ng Alemanya at Pangulong Petro Poroszenko ng Ukraine, sinabi ni Merkel na dapat komprehensibong isakatuparan ang Bagong Minsk Agreement, ngunit, hanggang sa kasalukuyan, hindi pa naisasakatuparan ng iba't ibang kinauukulang panig ang tigil-putukan sa dakong silangan ng Ukraine. Kung magaganap ang pangkagipitang kalagayan, isasagawa ng Unyong Europeo (EU) ang bagong patakaran ng sangsyon, ani Merkel.
Sinabi rin ni Merkel na maaaring ipasya o hindi ng EU ang patakaran ng sangsyon sa Hunyo.
Sapul nang Marso ng 2014, isinagawa ng Amerika at EU ang maraming round na sangsyon laban sa Rusya hinggil sa isyu ng Ukraine. Gumawa naman ang Rusya ng kinauukulang hakbangin na nakatuon dito.
Noong Ika-12 ng Pebrero ng taong ito, sa Minsk, kabisera ng Belarus, narating ng mga lider mula sa Rusya, Ukraine, Almanya at Pransya, ang kasunduan hinggil sa komprehensibong kalutasan sa krisis ng Ukraine at isyu ng tigil-putukan sa dakong silangan ng Ukraine.
Salin:Sarah