Ipinahayag ngayong araw ni Shen Danyang, Tagapagsalita ng Ministri ng Komersyo ng Tsina na hindi masasabing nawalan ng balanse ang kalakalang panlabas ng Tsina noong unang kuwarter ng taong ito.
Ayon sa pinakahuling datos, noong unang kuwarter ng taong ito, umabot sa 5.54 trilyong Yuan o halos isang trilyong US dollar ang halaga ng pagluluwas at pag-aangkat ng Tsina na bumaba ng 6% kumpara sa gayon ding panahon ng taong 2014. Kabilang dito, umabot sa 2.39 trilyong Yuan ang pag-aangkat ng Tsina na mas mababa ng 17.3% kumpara sa gayun ding panahon ng taong 2014.
Sinabi ni Shen na ang dahilan dito ay pagbaba ng presyo ng mga paninda sa pamilihang pandaigdig at pagbabagal ng pag-aangkat ng mga kompanyang Tsino.
Salin: Jade