Napagkasunduan ngayong araw nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Mamnoon Hussain ng Pakistan na palakasin ng dalawang bansa ang kanilang pagtutulungan laban sa mga teroristikong grupo na gaya ng East Turkistan.
Kaugnay ng kooperasyong pangkabuhayan, nakahanda ang dalawang pangulo na pasulungin ang konstruksyon ng China-Pakistan economic corridor, na mahalagang bahagi ng Silk Road economic belt at ng 21st century maritime Silk Road.
Narating ng dalawang pangulo ang nasabing mga kasunduan sa sidelines ng katatapos na Conference on Interaction and Confidence Building Measures in Asia (CICA) sa Shanghai.
Salin: Jade