Ipinalabas kahapon ng New York Times ng Amerika ang isang komentaryo para himukin si Shinzo Abe, Punong Ministro ng Hapon para tumpak na pakitunguhan ng Hapon ang isyung pangkasaysayan na naiwan ng World War II, para pasulungin ang katatagan ng Asya.
Tinukoy ng naturang komentaryo na ang taong ito ay Ika-70 anibersaryo ng pagtatapos ng World War II. Dapat anitong lutasin ang isyung pangkasaysayan sa lalo madaling panahon. Pero hanggang ngayo, hindi pa ito nalulutas. Anito pa, ang responsibilidad ay nakaatang sa kalikad ni Shinzo Abe at mga right-wing na kaibigan niya. Binago nila ang kasaysayan, at ito ay nagdulot ng pagiging maigting ng kalagayan sa rehiyong ito, dagdag ng komentaryo.
Sa susunod na linggo, si Shinzo Abe ay dadalaw sa Amerika.
Salin:Sarah