Hanggang kagabi, di-kukulangin sa 20 katao sa Tibet ng Tsina ang nasawi, 4 ang nawawala, at 58 iba pa ang nasugatan dahil sa napakalakas na lindol sa Nepal.
Upang katigan ang gawain ng rekonstruksyon sa Rehiyong Awtonomo ng Tibet, pangkagipitang pinagtibay kahapon ng Pambansang Komisyon ng Pag-unlad at Reporma ng Tsina ang pagkakaloob ng 30 milyong Yuan, RMB na subsidy sa Tibet. Gagamitin ang pondong ito sa pagpapanumbalik ng mga pampublikong instalasyon at imprastruktura sa purok ng kalamidad.
Salin: Li Feng