Dumating kahapon ng umaga sa Tribhuvan International Airport ng Kathamandu, Nepal ang China International Rescue Team. Ang grupong ito ay binubuo ng 62 katao na kinabibilangan ng mga search and rescue team, medical team, earthquake expert at technical support personnel. Sila rin ay may dalang search and rescue equipment at medical equipment at 6 na mahusay na search dog.
Pagkaraan ng napakalakas na lindol sa Nepal, idinaos kahapon ni Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina ang pulong hinggil sa mga gawaing panlabas sa lindol na purok ng Nepal. Ayon sa patnubay nina Pangulong Xi Jinping at Premyer Li Keqiang ng Tsina, magbibigay ng tulong ang Tsina sa mga purok na nilindol.
salin:wle