Sa Kuala Lumpur, Malaysia - Binuksan ngayong araw ang Ika-26 na ASEAN Summit sa taong 2015. Dumalo sa seremonya ng pagbubukas ang mga lider ng 10 bansang ASEAN.
Sa seremonyang ito, binigyang-diin ni Punong Ministro Najib Tun Razak ng Malaysia, na dapat magsikap ang ASEAN para maging ika-3 pinakamalaking ekonomiya sa Asya. Aniya, upang mapasulong ang pag-unlad ng pulitika at kabuhayan, ang pag-iisa ng ASEAN Time Zone ay magsisilbing isang puwersa para sa integrasyon ng ASEAN. Ito ay makakatulong sa pagpapalitang pangkabuhayan ng iba't-ibang bansa sa rehiyong ito, dagdag pa niya.
Salin: Li Feng