Hanggang kagabi (Beijing time), umakyat sa 5,057 ang bilang ng mga nasawi sa napakalakas na lindol sa Nepal, at mahigit 10,000 iba pa ang nasugatan. Magkakasunod na natamo ng nilindol na purok ang tulong, at patuloy na isinasagawa ng panig opisyal ng Nepal ang gawaing panaklolo.
Ipinahayag kahapon ni K.P. Sharma Oli, Pangulo ng Communist Party of Nepal (Unified Marxist–Leninist) — ikalawang pinakamalaking partido ng Nepal, na pinasasalamatan ng Nepal ang ibinibigay na tulong ng Pamahalaan at mga mamamayang Tsino sa nilindol na purok ng Nepal. Aniya, sa aspekto ng rekonstruksyon pagkatapos ng kalamidad, umaasa si Oli na tutulungan ng Tsina ang Nepal sa pagtatatag muli ng mga pabahay ng sibilyan, at pagkukumpuni ng mga nasirang historic site sa lindol.
Salin: Li Feng