Ayon sa pahayag na ipinalabas kamakalawa ng Malaysia Airlines, patuloy na makikipag-ugnayan ito sa mga kamag-anakan ng mga pasahero sa flight MH370, sa pamamagitan ng ilang plataporma. Umaasa rin itong magkakaloob ng tulong sa kanila sa anumang sandali, at napapanahong magkakaloob ng pinakahuling impormasyon.
Kasabay ng pagsara ng 6 na sentro ng pagbibigay ng impormasyon at pagkatig sa mga kamag-anakan ng mga pasahero sa flight MH370 sa Tsina, ipinatalastas ng Malaysia Airlines na patuloy na maglilingkod sa kanila.
Salin: Vera