|
||||||||
|
||
Nang kapanayamin kahapon ng mga mamamahayag si Premer Li Keqiang ng Tsina, kasama ni Manuel Carlos Valls, dumadalaw na Punong Minitro ng Pransya, bumigkas si Li ng talumpati tungkol sa pagpapatalastas ng panig Malaysian ng pagkabagsak ng flight MH370 bilang aksidente.
Sinabi ni Premyer Li na para sa mga pamilya na nasalanta ng naturang trahedya, ito ang isang napakahirap na panahon. Sa ngalan ng pamahalaan at mga mamamayang Tsino, nagpahayag siya ng pakikidalamhati sa lahat ng mga nasawi sa naturang eroplano. Ipinahayag din niya ang pakikiramay at taos-pusong pakikidalamhati sa mga kapamilya ng mga nasawi.
Binigyang diin ni Li na nitong nakalipas na halos isang taon, gumagawa ang pamahalaang Tsino, kasama ng mga kinauukulang bansa at komunidad ng daigdig, ng pagsisikap, sa abot ng makakaya, sa paghahanap, imbestigasyon, at paglilingkod sa mga kapamilya ng mga pasaherong Tsino. Dagdag pa niya, sa susunod na hakbang, patuloy at puspusang pabubutihin ang mga kinauukulang gawain. Umaasa aniya siyang isasabalikat ng panig Malaysian ang pangako, mapapabuti ang mga gawaing gaya ng imbestigasyon, pagbibigay ng kompensasyon, pagbibigay-tulong sa mga kapamilya, lalong lalo na, patuloy na hahanapin, sa pamamagitan ng lahat ng mga paraan, ang kapalaran ng eroplano at mga pasahero.
Ang Boeing 777-200 aircraft ay lumisan ng Kuala Lumpur International Airport alas- dose kuwarenta'y uno (12:41) ng hatinggabi noong ika-8 ng nagdaang Marso (Beijing time). Nakaiskedyul itong dumating ng Beijing alas-6:30 ng umaga nang araw ring iyon.
Pagkaraan ng halos dalawang oras na paglipad, nawalan ito ng kontak sa air traffic control, habang lumilipad sa Ho Chi Minh City, Biyetnam.
Isang daa't limampu't apat (154) sa dalawang daa't tatlumpu't siyam (239) na pasahero ng nawawalang eroplano ay mga mamamayang Tsino.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |